-- Advertisements --

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang naganap na paglabag sa karapatang pantao ang naganap na engkuwentro sa mga umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Toboso, Negros Occidental.

Ayon kay Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala , na sa 19 na mga nasawi ay nakita nilang mayroong mga hawak na armas ang mga ito.

Kasama sa nasawi ang student leader, researchers at guro kung saan mayroong hawak pa na mga armas ang mga ito.

Na-beripika na rin nila ang mga pagkakakilanlan ng mga nasawi at tiniyak din ng kasundaluhan sa bansa ang pagbibigay seguridad sa lugar.