Bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Hulyo ng kasalukuyang taon kasabay ng pagbuti ng unemployment at employment rate.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang unemployment rate ay bumaba ng 5.25% noong Hulyo na katumbas ng hanggang 2.6 million jobless Pilipino.
Nagpapakita ito ng improvement mula sa nakalipas na buwan na naitalang 6% unemployment rate na katumbas ng 2.99 million jobless workers.
Pagdating naman sa employment rate, gumanda ito na ansa 94.8% noong July na katumbas ng 47.39 million.
Mas mataas ito ng 5.72 million at 1.76 million kumpara sa July 2021 at April 2022.
Sa datos noong April 2022, ang employment rate ay nasa 94.3%.
Nakitaan ng pagtaas ng employment rate sa wholesale at retail trade ng motor vehicles at motorcycles, agriculture, accommodation at food activities, administrative at construction.
Samantala, ang bilang naman ng underemployed na manggagawa ay nasa tinatayang 6.54 million noong Hulyo.
Mas mataas ito kumpara sa 5.89 million noong Hunyo.
Tumaas din ang underemployment rate ng 13.8% noong Hulyo mula sa 12.6% noog Hunyo.