-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) nang pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa unang bahagi ng taong ito.

Ito ay sa gitna pa rin ng patuloy na pagrecover ng bansa mula sa naging epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa idinaos na press conference ng naturang kagawaran kaninang umaga ay iniulat ni PSA chief and National Statistician and Civil Registrar General, Usec. Dennis Mapa ang paunang resulta ng kanilang isinagawang Labor Force Survey sa buong bansa nitong nakalipas na buwan ng Abril.

Nakasaad sa datos na kaniyang inilahad na bumaba na sa 2.76 million o may katumbas na 5.7% ang bilang ng mga kababayan nating walang trabaho sa kasalukuyan.

Mula yan sa dating 4.14 million o 8.7% at 2.93 million o may katumbas na 6.4% na unemployment rate na naitala naman ng PSA noong April 2021 at January 2022.

Samantala, ipinahayag din ni Mapa na mula sa mga datos na kanilang nakalap ay nakapagtala ang kagawaran ng anim na mga rehiyon sa bansa na mayroong mas mataas na unemployment rate kumpara sa national average na 5.7%.

Ito ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na mayroong pinakamataas na unemployment rate na pumalo sa 8.1%, sinundan naman ito ng NCR, Regions 1, Calabarzon, Region 5, at REgion 8.

Habang sa Zamboanga Peninsula naman nakapagtala ng may pinakamababang unemployment rate na 2.9%.