Umakyat pa sa 14 million subscriber identity modules (SIMs) ang nakapag-register isang linggo mula ng magsimula ang SIM registration process noong nakaraang buwan.
Nakasaad sa National Telecommunications Commission (NTC) website na nasa 14,050,125 SIM ang naka-rehistro na.
Sinabi ni NTC officer-in-charge Ella Blanca Lopez na ang bilang ng rehistradong SIM ay kumakatawan sa 8.31% ng humigit-kumulang 170 milyong SIM card sa buong bansa.
Ikinatuwa din nito ang pangako ng mga telcos na ipatupad ang mga improvements at refinements sa kanilang proseso sa pagpaparehistro ng SIM para mas mabilis ang pagpaparehistro.
Napag-alaman na ang pagpaparehistro ng SIM ay alinsunod sa Republic Act (RA) 11934 o ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, na naglalayong i-regulate ang pagpapalabas at paggamit ng mga SIM, na mahalaga sa pagpapatakbo ng mga mobile device tulad ng mga mobile phone at pocket Wi-Fis.
Inaasahang sugpuin ng batas ang pagkalat ng mga spam text at scam gamit ang mga mobile device.
Ang pagpaparehistro ng SIM ay maaaring gawin online sa pamamagitan ng mga website o application na inilunsad ng mga telecommunications companies.