-- Advertisements --

Dumami pa ang bilang ng mga guro at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) ang nabiktima ng hindi otorisadong pag-withdraw ng kanilang payroll accounts sa Land Bank of the Philippines.

Sinabi ni Teacher’s Dignity Coaltion chairman Benjo Basas, na mula sa dating 11 ay naging 20 na ito.

Umaboot sa P160,000 hanggang P200,000 na mga pera ang nawala.

Inaasahan nila na madadagdagan pa ang bilang ng mga gurong lulutang at magrereklamo sa mga susunod na araw.

Inatasan na rin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang nasabing insidente.

Magugunitang nanawagan ang DepEd at LandBank na agad na isumbong sa kanilang opisina ang nasabing pangyayari na iligal na withdrawal ng kanilang payroll accounts.

Pinabulaanan din ng LandBank na nagkaroon ng problema ang kanilang sistema at tiniyak na ligtas ang kanilang mga computer at data systems.