-- Advertisements --
Baguio Covid
Baguio Covid-19

BAGUIO CITY – Aabot na sa 12 ang positibong kaso ng coronavirus disease (COVID)-19 sa lunsod ng Baguio.

Batay sa listahan ng Department of Health-Cordillera, aabot na sa 16 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Cordillera Administrative Region.

Ayon sa ahensiya, aabot na rin sa tig-dalawa ang kaso ng COVID-19 sa Benguet at Abra.

Tiniyak ng ahensiya na kapwa nasa mabuti ng kalagayan ang mga naturang pasyente.

Ayon pa sa ahensiya, aabot na sa 680 ang mga persons under investigation (PUIs) sa Cordillera.

Mula sa nasabing bilang, 20 ang mula sa Abra, 53 sa Apayao, 138 sa Baguio City, 384 sa Benguet, 10 sa Ifugao, 40 sa Kalinga at 35 sa Mountain Province.