Screenshot 2019 12 27 12 07 39 64

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nabiktima ng paputok ilang araw bago ang pagsalubong ng bagong taon.

Sa latest data ng Department of Health (DoH) ngayong araw may tatlo pang biktima ang dumagdag at nasa 20 na ang kabuuang bilang ng mga nabiktima.

Karamihan sa mga naputukan ay galing sa National Capital Region (NCR) na anim, sunod ang Calabarzon na nasa apat na, tatlo sa Region 1, tig-dalawa naman sa Region II at VII.

Tig-iisa naman ang naitala sa Mimaropa, Regions V, VI, XI at XII.

Ayon sa DoH mas mababa pa rin ito ng 35 percent kumpara sa naitala sa parehong period noong 2018.