-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan na ng kaso ang bigtime drug pusher matapos ang isinagawang drug buy bust operation sa tapat ng isang sikat na fast food chain sa bahagi ng NHA, Brgy. Kauswagan, siyudad ng Cagayan de Oro.

Kinilala ng tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-10, P/Lt. Col Mardi Hortillosa II ang suspek na si Ismael Bayabao Amir, residente sa nasabing lugar.

Aniya, hindi na nagtaka ang asset ng Regional Drug Enforcement Units (RDEU) kung bakit nagbitbit pa ng 50 gramo ng pinaghihinalaang shabu ang suspek dahil sa laki ng offer na inihayag ng asset nito.

Hindi na nakapalag ang suspek matapos tanggapin ang buy bust money at agad itong pinosasan.

Mahigit P500,000 na street value ng shabu ang narekober sa kanyang posisyon at maging ang kanyang motorsiklo, at cellphone na ginamit sa transaksyon.