-- Advertisements --

Kaliwa’t kanan ang lumalabas ngayong ispekulasyon sa halos dalawang buwan nang hindi pagpapakita sa publiko ni Jack Ma, ang founder ng Alibaba.

Sa kabila ito ng Chinese regulatory clampdown ng ilan sa kaniyang mga business empire.

Nagsimula ang umano’y pagkawala ng itinuturing na highest-profile entrepreneur ng China noong Oktubre sa isang forum na ginanap sa Shanghai.

Dito ay pinatutsadahan ni Ma ang regulatory system ng ng nasabing bansa na naging dahilan upang magkaroon ito ng gusot sa ilang Chinese officials.

Nagresulta ang naging pahayag ni Ma sa suspensyon ng P37 billion IPO ng Alibaba’s Ant Group fintech arm.

Hindi rin ito sumipot sa huling episod ng isang game show noong Nobyembre para sa mga entrepreneurs kung saan isa siya sa mga hurado.

Hula ng ilan ay nag lay low muna ito upang makabawi ang kaniyang mga negosyo na tinarget umano ng Chinese government.