Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng US sa kanilang kaalyaldo para matigil na ang nagaganap na kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas militants.

Sinabi ni President Joe Biden na nakausap na niya si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at ilang mga lider.

Hindi raw tumitigil ang kanilang US intelligence community na bantayan ang nasabing lugar.

Magugunitang dumarami na ang mga lider ng mga bansa ang nananawagan nang pagtigil na sa kaguluhan sa nasabing rehiyon.