-- Advertisements --
Ibinalin ni US President Donald Trump ang sisi sa pinalitan nitong si President Joe Biden dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ng Estado Unidos.
Sinabi nito na ang pagbagsak ng ekonomiya at walang kinalaman ang pagpapatupad nito ng mga taripa.
Nagtala kasi ng -0.3% sa unang quarter na siyang pinakamababa sa isang quarter mula 2022.
Giit pa ni Trump na ang Biden stack market pa rin ang sisihin dahil pormal lamang ito umupo sa puwesto noong Enero 20.
Magugunitang nagpatupad ng mataas na taripa si Trump mula sa mga produkto ng mga iba’t-ibang bansa.