-- Advertisements --
Surpresang bumisita sa Ukraine si US President Joe Biden.
Ang nasabing pagbisita ng US President ay kasunod ng paparating na isang taon na anibersaryo ng pag-atake ng Russia sa Ukraine sa darating na Pebrero 24.
Tiniyak ni Biden kay Ukraine President Volodymyr Zelensky ang mahigpit na suporta ng US sa Ukraine.
Sinabi pa ni Biden na unti-unti ng nabibigo si Russian President Vladimir Putin sa ginawa nitong paglusob sa Ukraine.
Nangako rin ito ng dagdag na $500 milyon na tulong sa Ukraine.
Matapos ang pagbisita ni Biden at dumiretso ito sa Poland para sa tatlong araw na pagbisita niya doon.