-- Advertisements --
candles White House Covid

Nanawagan si US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris ng national moment of silence bilang alay sa 500,000 mamamayan nila na nasawi dahil sa COVID-19.

Sinabi ni White House spokesperson Jen Psaki na nagsawa sila ng candle lightning sa kapaligiran ng White House nitong Martes umaga oras sa Pilipinas.

Inatasan din Biden ang paglalagay sa pag-half mast sa lahat ng mga bandila na matatagpuan sa gusali na pag-aari ng gobyerno.

Nagtalumpati rin naman ang US president at iniulat ang mga hakbang kung paano mababaligtad ang kalagayan ng pandemic sa pamamagitan ng sama-samang pagtatrabaho.

“Today, our nation passed another grim milestone in this pandemic: 500,000 lives lost. Join us as we honor their memory,” ani Biden. “It’s not Democrats and Republicans who are dying from the virus. It’s our fellow Americans. It’s our neighbors, our friends, our mothers, our fathers, our sons, our daughters, husbands, wives. We have to fight this together, as one people, as the United States.”

Nasa 19% ng kabuuang pagkamatay dahil sa coronavirus sa buong mundo ay nagmula sa Amerika.