-- Advertisements --

Nakausap na ni Democratic presidential candidate Joe Biden ang pamilya ng black American na si Jacob Blake sa Kenosha, Wisconsin.

Isinagawa ang pribadong pag-uusap pagkadating sa lugar ni Biden.

Hindi naman nagbigay ang anumang detalye si Biden at maging ang pamilya Blake kung ano ang kanilang napag-usapan.

Nauna ng bumisita sa lugar si US President Donald Trump subalit tiniyak nito ang suporta sa mga kapulisan at hindi na nakausap ang mga kaanak ni Jacob.

Magugunitang nagresulta sa kilos protesta ang nangyaring pamamaril ng mga kapulisan kay Blake sa harap ng mga anak nito kung saan nasa kritikal pa rin ito sa pagamutan.