-- Advertisements --
Nakapulong na ni US President Joe Biden si Chinese President Xi Jinping.
Pagdating pa lamang ng Chinese President sa California kung saan isinagawa ang pulong ay mainit na ito na sinalubong ni Biden.
Sinabi ni Biden na ang nagaganap na kumpetisyon sa pagitan ng China at US ay hindi dapat mauwi sa kaguluhan.
Iginiit ni Biden na walang makakapantay sa personal na pagpupulong dahil masasabi ng bawat panig ang mga nais nilang iparating sa isa’t-isa.
Nagkasundo ang dalawang lider na kapwa labanan ang mga usapin ukol sa climate change, paglaban sa iligal na droga, trafficking at ang banta ng artificial intelligence.