-- Advertisements --
NAGA CITY- Umani ng mga positibong reaksyon si Bicol #336 matapos magpakilala sa publiko na isa ito sa mga nagpositibo sa sakit na coronavirus disease.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo adyo Naga kay Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na pumayag si Maria Francia “FRANCE” Naval, empleyado ng BDO – Magsaysay na pangalanan para makatulong sa ginagawang contact tracing ng mga otoridad.
Kasabay umano nitong pumayag ang pamunuan mismo ng BDO.
Samantala nagpaabot naman pasasalamat at papuri ang lokal na gobyerno ng lungsod ng Naga .
Habang nanawagan naman si Legacion sa lahat na mga mamamayan at kakilala ni Naval na posibleng nagkaroon ng close contact simula Hulyo 13 hanggang Hulyo 24, 2020 na mag-bigay alam agad sa City Health Office.