-- Advertisements --

Apektado na ng extension ng low pressure area (LPA) ang ilang bahagi ng ating bansa.

Ayon sa Pagasa, kabilang sa makakaranas ng ulan ang bahagi ng Bicol, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga.

Huling namataan ang LPA sa layong 335 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Kung sakaling magiging ganap na bagyo, bibigyan ito ng local name na “Isang.”

Maliban dito, nakakaapekto rin sa nalalabing bahagi ng bansa ang umiiral na hanging habagat.