-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Senate President Vicente Sotto III ang pag-urong sa schedule ng pulong ng bicameral conference committee para sa 2026 national budget.

Sinabi ni Sotto na nagpasya ang chambers ng Kongreso na gawin na lamang sa Sabado, Disyembre 13 ang pulong at sa halip na sa Biyernes, Disyembre 12.

Hiniling umano ng mga technical staff ng House at Senate na i-urong ng isang araw para maayos ang ilang detalye ng matrix ganun din ang ilang probisyon.

Tiniyak din nito na ang lahat ng mga detalye ay naisasapubliko para sa transparency kung saan susuriin ng House of Representatives ang bersyon ng Senado ng budget ganun din ang gagawin nila sa inaprubahang budget ng House.