Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang publiko laban sa mga unscrupulous individuals na nagpapanggap na mga immigration employees at nag-aalok ng tulong para sa mga overseas workers.
Inilabas ng ahensiya ang nasabing babala matapos, makatanggap ng ulat hinggil sa mga scammers na nagpapanggap ng immigration personnel na nag-aalok ng tulong para duon sa mga nais magtrabaho sa ibang bansa.
Sa pahayag na inilabas ng ahensiya, nilinaw nito na ang Bureau of Immigration ay hindi nag-aalok ng assistance sa mga overseas workers na iligal na umaalis ng bansa na walang kaukulang documentation.
Kaya panawagan ng ahensiya sa publiko na agad ireport ang mga nasabing scammers sa mga otoridad.
Maaari din silang tawagan sa kanilang contact numbers at email address kung may mga concerns o katanungan. (+632) 8465-2400 or (+632) 8524 3769 and email at immigration.helpline.ph@gmail.com.
Samantala, iniulat ng Bureau of Immigration na nasa 158 aliens ang naaresto ng kanilang intelligence officers nuong 2021 dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Laws.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga inarestong aliens ay resulta ng kanilang mga ikinasang operasyon sa buong bansa.
Sinabi ni Morente na karamihan sa kanilang naaresto ay mga Chinese na nasa 86, Koreans -37, Nigerians -10, Indians -6, Americans-4, British -4, Japanese 3, Indonesians-2, tig isang Dutch, German, Tunisian, Cambodian, Lebanese, at Singaporean.
Ipinagmamalaki din ng BI na nasa 83 foreign fugitives ang naaresto ng BI’s Fugitive Search Unit.
Aminado si Morente na malaking hamon sa kanilang mga operasyon ang pandemya.
Gayunpaman sinabi ni Morente na hindi sila titigil sa pagtugis sa mga illegal aliens na hindi nirerespeto ang batas ng Pilipinas.