-- Advertisements --

Pinalawig ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang pagpapatupad ng Advance Passenger Information System (APIS), bilang bahagi ng pagpapalakas ng national security sa pamamagitan nang maagang pagtukoy sa mga banta.

Ikinalugod ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang inisyatiba at tinawag ang APIS bilang isang critical defense line sa mga hangganan ng bansa at isang malaking hakbang tungo sa digital transformation at security posture. 

Ang APIS ay isang digital platform na nagpapahintulot sa mga awtoridad na masuri ang mga papasok na biyahero kahit bago pa sila dumating sa bansa.

Nitong linggo, hinarang at hindi pinayagan ng BI na makapasok sa NAIA Terminal 1 ang  isang dayuhang pasahero matapos itong ma-flag ng sistema dahil sa pagkakaroon ng Interpol blue notice.

Naiuugnay ang indibidwal sa critical activities sa ibang bansa. 

Patuloy na hinihimok ng ahensya ang mga airline companies na makiisa at maisama ang kanilang sistema sa APIS.