Humingi ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Department of Justice (DOJ) para magpalabas sil ang immigration lookout bulletin laban sa ilang mga persons of interest dahil sa pagkakalunod ng dalawang mag-aaral ng Ateneo de Manila University.
Sinabi ni CIDG Director Maj. Gen. Robert Alexander Morico II na kapag mayroon ng immigration lookout bulletin ay aatasan ng DOJ ang Bureau of Immigration na magsagawa ng monitoring sa ilang personalidad.
Dagdag pa nito na ang isa sa kanila ay isang foreign nationals kaya marapat na magkaroon ng immigration lookout bulletin.
Magugunitang nasawi sina Rene Baterbonia at Divine Adili habang ang mga ito ay dumadalo sa isang team building activities sa isang beach resort sa Dipaculao, Aurora noong araw ng Lunes.














