-- Advertisements --
Nagtala ang Bureau of Immigration ng 161,664 na mga arrivals sa Pilipinas noong Christmas weekends.
Karamihan sa mga ito o katumbas ng 81 percent ng mga eroplano ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Mayroon namang 130,497 departures ang naitala mula Disyembre 23 hanggang 25.
Ang nasabing record ay mas mataas kumpara sa pre-pandemic daily arrival average para sa Disyembre na mayroong 55,000 at 47,000 naman sa departure average.
Paliwanag naman ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang international travel ay hindi lamang maituturing na rebound dahil sa ang nasabing bilang ay nalampasan na ang pre-pandemic numbers.