May panibago nanamang ginawang pangbubully ang China sa Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ay matapos bombahin nanaman ng China Coast Guard ang barko ng Pilipinas gamit ang water cannon.
Batay sa mga ulat, patungo sana ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa bahagi ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea para sa misyong paghahatid ng krudo at iba pang supply sa mga mangingisda na nasa naturang lugar.
Nang magsagawa ng radio challenge ang CCG sa barko ng Pilipinas para itaboy ang mga ito sa nasabing lugar, na hindi naman pinansin ng mga tauhan ng BFAR sapagkat ang lugar anila na kanilang kinororonan noong mga panahon na iyon ay nasasakupan pa rin ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Nang hindi masunod ang gusto, dito na binomba ng CCG ng water cannon ang barko ng BFAR na tinatayang nangyari bandang alas-9:00am na tumagal naman hanggang alas-12:00 ng tanghali.
Bukod sa mga barko ng CCG ay may namataan din ang mga tauhan ng BFAR na presensya ng mga Chinese militia vessels na nagtangka rin lumapit sa barko ng Pilipinas.
Ayon sa mga BFAR officials, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ginamitan ng water cannon ng China ang kanilang barko sapagkat sa mga nakalipas na panahon lamang aniya ay tanging “shadowing” lamang ang ginagawa ng mga barko ng China sa kanila tuwing kasagsagan ng resupply mission.
Kung maaalala, nito lamang buwan ng Oktubre ay naranasang din na maipagtabuyan ang barko ng Philippine Navy sa kasagsagan din ng kanilang misyon sa West Philippine Sea.