-- Advertisements --

Kinumpirma ng mga pamangkin ni Rustica Carpio na pumanaw na ang beteranang aktres nitong unang araw ng Pebrero.

Batay sa impormasyon, binawian ng buhay si Rustica sa tahanan ng kapatid niya sa Cavite sa edad na 91.

Wala pa namang tinukoy na dahilan ng pagkamatay ng award winning actress na tubong Bulacan.

Siya ay 45-anyos nang sumabak sa kanyang unang pelikula na “Nunal sa Tubig” noong 1975.

Nasundan na ito ng iba pang movie projects gaya ng “Aliw” (1979), “Bona” (1980), “T-Bird At Ako” (1981), “Rizal In Dapitan” (1997), Lola (2009), at pinakahuli ang “Circa” noong 2019.

Taong 2009 nang magsimulang makasungkit si Rustica ng mga international acting award para sa mahusay na pagganap sa pelikulang “Lola” noong 2009.

Kabilang dito ang Crystal Simorgh Best International Actress sa 2011 Fair International Film Festival (Iran), best actress sa 2010 Las Palmas International Film Festival (Gran Canaria, Spain), at pinakamahusay na aktres sa 2010 Gawad Urian.

Tumanggap din siya ng mga Lifetime Achievement Award mula sa iba’t ibang award-giving bodies dahil sa mga kontribusyon niya sa industriya ng pelikulang Pilipino.