Dinepensa ng Office of the Executive Secretary ang desisyon ng Office of the President na mag release ng PhP221.424-million confidential fund sa office of the Vice President Sara Duterte nuong nakaraang taon.
Sa isang pahayag sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang confidential fund na nai-release ay naaayon sa Special Provision No. 1 sa ilalim ng 2022 Contingent Fund kung saan ino-authorized ang Office of the President na i approved ang pondo na gagamitin para sa mga bago at mga apurahang aktibidad na kailangang ipatupad.
Paliwanag ni Bersamin na nangangailangan ng pondo si VP Sara nuon lalo at bagong halal na opisyal ito na sinuportahan ng Pangulong Marcos batay sa naging rekumendasyon ng DBM.
Hiniling ng office ni Vice President Duterte sa Office of the President na i-release ang PhP221.424 million para sa maintenance operating and other expenses (MOOE) items gaya ng Financial Assistance/Subsidy na nagkakahalaga ng PhP96.424 million at Confidential Funds para sa mga bagong tayo na satellite offices na nagkakahalaga ng PhP125.0 million.