-- Advertisements --

Tumanggi si Labor Sec. Silvestre Bello III na bawiin ang ipinatupad na partial deployment ban sa Kuwait kasunod nang pagkakapaslang sa overseas Filipino worker (OFW) na si Jeanalyn Villavende ng amo nito.

Sa isang panayan, sinabi ni Bello na ikokonsidera lamang niyang bawiin ang partial deployment ban sa Kuwait kung pormal nang makasuhan ang mga pumaslang kay Villavende, at makita ang katibayan na magpapatunay dito.

Igniit ng kalihim na kaya nila ipinatupad ang naturang ban upang iparating sa Kuwait na hustiya ang nais makamit ng Pilipinas para sa sinapit ni Villavende.

“Kapag [nakasuhan na] nila yung dalawang suspect, we will consider lifting. Pero kapag hindi ginawa yan, magiging total deployment ban na,” dagdag pa ni Bello.

Kailangan niya raw ng katibayan na totoo ang sinabi sa kanya ng isang ambassador sa Kuwait na nakasuhan na ang mga suspects sa krimen.