Iginiit pa rin ni Filipino MMA fighter Kevin Belingon na tinalo na sana niya si Bibiano Fernandes kung hindi siya na disqualified.

Sinabi ng Team Lakay member, na mula sa unang round pa lamang ay pinaulanan na niya ang Brazilan fighter ng mga suntok at sipa.

Inamin nito na natamaan ito ng solidong suntok sa kaniyang panga subalit agad naman siyang nakabawi.

Makukuha aniya niya ang panalo sa pamamagitan ng desisyon kung hindi ito na-disqualify.

Magugunitang na-disqualify si Belingon dahil sa paggamit ng kaniyang siko na nagdulot sa pagbawi ni Fernandes ng kaniyang bantamweight world title nitong nakalipas na Linggo.