Nasa state of shock pa rin umano ang Lebanese bride na trending o pinag-uusapan pa rin sa gitna ng dramatic footage ng kanilang wedding video na tumaon sa madugong pagsabog sa Beirut.
Nabatid na ilang beses nang nai-share sa iba’t ibang social media ang naturang video kung saan kuhang-kuha ng cameraman ang dapat sana’y sweet pictorial, hanggang sa nabulabog ng pagsabog.
Ang 29 year old bride ay si Dr. Israa Seblani mula Amerika, pero napang-asawa ang negosyanteng si Ahmad Subeih, 34-anyos, sa kabisera ng Lebanon.
“I have been preparing for my big day for two weeks and I was so happy like all other girls, ‘I am getting married’. My parents are going to be happy seeing me in a white dress, I will be looking like a princess,” saad ng doktor.
Inakala rin daw nito na mapapabilang sa mga nasawi.
Kuwento naman ng kanyang mister, bumalik sila sa hotel upang kuhanin ang ilang mahahalagang gamit gaya ng passport.
“We started to walk around and it was extremely sad, it was not describable the devastation and the sound of the explosion. We are still in shock … I have never heard anything similar to the sound of this explosion,” dagdag nito.
Nabatid na nagdesisyon pa rin ang ngayo’y newly wed na ituloy ang pag-iisang dibdib pero sa bahay na lamang daw ito naganap kasama ang pamilya sa simpleng selebrasyon. (theguardian)