San Miguel Beermen
San Miguel Beermen/ PBA image

Naging bayani import Chris McCollough para dalhin sa panalo ang San Miguel Beermen kontra NorthPort 98-84 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup quarterfinals.

Nagtala si McCollough ng 24 points at 11 points habang mayroong 18 points si Chris Ross at 15 points si Arwind Santos.

Sinabi ni Beermen coach Leo Austria na tila nakabawi sila sa unang pagkatalo nila.

Bagamat hindi nagtagumpay ay nagtala pa rin ng 20 points si Robert Bolick at tig 12 points sina Prince Ibeh at Mo Tautuaa para sa NorthPort.