-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng San Miguel Beerme ang Barangay Ginebra 91-85 sa Game 3 PBA Philippine Cup Semifinals.
Dahil dito ay mayroon ng dalawang panalo ang Beermen habang isa pa lamang ang Gins sa best of seven semifinals sa laro na ginanap sa Smart Araneta.
Hawak ng Beermen ang kalamangan sa unang dalawang quarters.
Subalit pagpasok ng ikatlong quarters ay nabawasan ng Ginebra ang kalamangan ng Beermen.
Nanguna sa panalo ng Beermen si Don Trollano na mayroong 33 points habang mayroong 19 points si CJ Perez at 13 points naman si Mo Tautuaa.
Hindi naman umubra ang ginawang 17 points ni Scottie Thompson at 14 points ni RJ Abarrientos.
















