-- Advertisements --

Kinumpirma ng aktres na si Bea Alonzo ang kanyang relasyon sa negosyanteng si Vincent Co, tagapagmana ng isang kilalang supermarket chain, sa isang panayam sa 2025 Gala noong Sabado.

“I think it’s very obvious that we’re together,” ani Alonzo. “I’m very happy.”

Bagama’t inamin ang relasyon, iginiit ng aktres na nais niyang panatilihing pribado ang detalye ng kanilang love life. Aniya, “I don’t want to say people ruin beautiful things, but I think the most beautiful things are the ones kept private.”

Noong nakaraang buwan, spotted sina Alonzo at Co sa NAIA Terminal 1 papuntang Japan para sa ika-46 na kaarawan ng negosyante. Una silang napabalitang magkasama noong Mayo matapos mapansin ng netizens na tila sabay sila sa isang biyahe sa Spain.

Mula noon, ilang beses na rin silang nakita sa publiko — kabilang ang isang private event kasama si Heart Evangelista, at isang birthday greeting para kay Sen. Bong Go.

Dumalo rin si Alonzo sa mga event ng negosyo ni Co, habang sinuportahan naman ni Co ang business launch ng aktres.