Naka-lockdown na ang Batasang Pambansa ngayong araw, bilang paghahanda sa huling Sate of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte na idaraos sa Hulyo 26, 2021.
Sinabi sa Bombo Radyo ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, na may mga kailangan silang ayusin para sa seguridad at upang matiyak na magiging maayos ang tunog at ilaw nang walang sagabal.
Ayon pa kay Mendoza na nasa 300 lamang ang papayagang dumalo sa SONA, upang matiyak na maipapatupad ang minimum health protocols.
Tinatayang 100 kongresista at 10 senador lang ang darating ng personal, habang ang iba ay dadalo na lamang sa pamamagitan ng video conferencing.
Maging ang mga inimbitahang opisyal ay dapat bakunado, may negative test sa COVID at walang masamang nararamdaman, para pahintulutang makapasok sa pagdarausan ng SONA.