-- Advertisements --

NAGA CITY – Nakataas na sa full alert status ang Batangas Police Provincial Office hinggil sa epekto ng patuloy na pag-alburoto ng Bulkang Taal.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa provincial director ng Batangas-Philippine National Police na si P/Col. Edwin Quilates, sinabi nitong sa ngayon ay patuloy ang kanilang rescue operations sa mga lugar na apektado ng insidente lalo na ang malapit sa bulkan.

Ayon kay Quilates, kahit medyo kumalma ang Taal Volcano Island ay hindi pa rin ligtas ang mga katabing lugar nito.

Aniya, mahigit 7,000 katao na ang nailikas nila mula sa mga bayan ng Laurel, Talisay, San Nicolas, Balete at Agoncillo.

Samantala, abiso ni Quilates sa publiko na patuloy na mag-ingat at magsuot ng mga protective masks upang makaiwas sa masamang epekto ng abo at usok sa kalusugan.