-- Advertisements --

Ikinalungkot ng maraming basketball fans at players sa buong mundo ang pagpanaw ng beteranong Utah Jazz coach na si Jerry Sloan.

Mula ng kumpirmahin ng Jazz ang pagpanaw ni Gerald Eugene Sloan ay ipinarating sa kani-kanilang mga social media ng ilang NBA players ang kanilang kalungkutan.

Pinangunahan ni NBA Commissioner Adam Silver ang pakikiramay kung saan isang respetado at hinahangaan na NBA legend ang 78 anyos na si Sloan.

Siya lamang kasi ang unang coach na nakapagtala ng 1,000 panalo sa NBA kaya kinilala ito bilang NBA Basketball Hall of Fame.

Heat
Heat Twitter
Paul
Paul/ Twitter image
Hayward/ Twitter

Itinuturing naman ng kasalukuyang head coach ng Jazz na si Quin Snyder na isang karangalan na sundan ang yapak ni Sloan na pamunuan ang Jazz.

Ilan sa mga nagpaabot ng pagdarasal at kalungkutan ay sina Miami Heat President Pat Riley, Oklahoma City Thunder guard Chris Paul at sina dating Jazz All-Star Mark Eaton, Gordon Hayward, Carlos Boozer at Deron Williams ay naglabas ng kalungkutan sa pagpanaw ng kanilang coach.

Bago naging coach ng Jazz ay naging 19th overall pick ng 1964 NBA draft ng Baltimore Bullets at noong 1966 ay kinuha siya ng Chicago Bulls at mula noon ay kinilala siya na “The Original Bull” na dahil sa matinding depensa nito ay dinala niya sa unang pagkakataon ang Bulls sa kanilang unang season.

Nagretiro ito sa paglalaro noong 1976 kung saan mayroon average points na 18, 7 rebounds at 9 rebounds per game.

Taong 1984 ay naging assistant coach ng Jazz at noong 1988 ay naging Jazz ng head coach.