-- Advertisements --

Patay ang isang barangay volunteer sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City matapos na pagbabarilin kagabi.

Kinilala ang biktimang si Ronaldo Cumayas, 38-anyos, pintor at boluntaryong nagbabantay sa kanilang compound.

Ayon sa nakasaksi, apat na lalaki ang lumapit sa biktima at ito ay pinagbabaril.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo ng nasabing pamamaril.