ILOILO CITY – Patay ang barangay barangay treasurer ng Brgy. Del Pilar, Hamtic, Antique matapos binaril ng riding-in-tandem suspects sa harap mismo ng old provincial capitol sa Brgy. 8, San Jose sa nasabing lalawigan.

Ang biktima ay si Jose Servano, Jr., 41.

-- Advertisement --

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Benjo Clarite, hepe ng San Jose de Buenavista Municipal Police Station, sinabi nito na naglalakad ang biktima kasama ang barangay captain nang mangyari ang insidente.

Ayon kay Clarite, walang rekord sa pulis at barangay ang dalawa at wala ring kaugnayan sa iligal na droga.

Patuloy pa na pinaghahanap ang hindi pa nakilalang mga suspek.