Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang barangay treasurer sa pamamaril sa Cotabato City.

Nakilala ang biktima na si Winnie Rogayan, 51, may asawa, isang barangay treasurer ng Brgy Gayonga, Northern Kabuntalan, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng Cotabato City Police Office na naglalakad lamang ang biktima sa Jose Lim Sr Street sa Barangay Poblacion 5, Cotabato City nang bigla itong pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa lungsod ng Cotabato.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo.

Sinabi ng pamilya ng biktima na bago ito pinatay ay may natatanggap na umano ito nang pagbabanta sa kanyang buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamamaril sa biktima