BAGUIO CITY – Nakalabas na sa pagamutan ang isang barangay captain na pinagbabaril noong nakaraang linggo sa Bangued, Abra.

Ayon kay Police Colonel Alfredo Kiwad Dangani, Provincial Director ng Abra Police Provincial Office, nasa maayos na kalagayan na ang biktima na si Kapitan Ronnie Bermudez Bringas ng Bacsil-Angad, Bangued, Abra.

Sinabi ni Dangani na mayroong ng lead suspect sa pagbaril sa nasabing kapitan.

Naniniwala ang provincial director na personal na kakilala ng biktima ang suspek at maaaring personal na motibo ang pagtangka ng suspek na patayin ang biktima.

Maaalalang binaril si Bringas ng isang lalaking nakasuot ng face mask na nakasuot ng jacket.