CENTRAL MINDANAO-Pinalakas pa ng Bangsamoro Government ang kampanya laban sa Coronavirus Disease (Covid 19).

Kung saan naglagay ng Emergency Operation Center ang BARMM READI o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao-Rapid Emergency Action on Disaster Incidence.

Nakatutok ang Bangsamoro Inter-Agency Task Force Against COVID-19 at handang rumesponde sa mga emergency kaugnay ng nagpapatuloy na banta ng nakakahawang sakit.

Maaaring tumawag sa kanilang emergency hotline number sa 0996-301-8777 at 0936-339-5221 ang mga mamamayan ng BARMM na mangangailangan ng emergency assistance

Matatagpuan naman ang kanilang Emergency Operation Center sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.