VIGAN CITY – Malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga miyembro ng Sta. Maria municipal police station hinggil sa natagpuang bangkay ng isang German national sa harap ng bahay nito sa Barangay Bia-o, Sta. Maria, Ilocos Sur.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, nakilala ang biktima na si Hans Peter Kuhne, 73-anyos.

Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakahiga sa kama sa labas ng bahay nito sa pamamagitan ng mag-asawang sina Mila at Mario Cabradilla.

Bibili umano sana ng niyog ang mag-asawa sa biktima nang makita nila ito sa harap ng kaniyang bahay na nakahiga at tila hindi na gumagalaw.

Dahil dito, ipinaalam nila sa mga barangay officials ang kanilang nakita at pagkatapos nito ay saka sila tumawag ng mga otoridad para tingnan ang nangyari.

-- Advertisement --

Lumalabas na matagal nang mag-isang naninirahan sa nasabing barangay ang biktima na pinaniniwalaang mayroong malalang sakit na posibleng rason ng pagkamatay nito.