BAGUIO CITY-Nakilala na ang bangkay ng lalaking natagpuan sa bangin sa Tadiangan, Tuba, Benguet.

Mismong ang asawa at ama nito ang kumilala sa bangkay sa pamamagitan ng suot nito at sa marka sa kanyang balikat.

Gayunpaman, hiniling ng pamilya na huwag nang isiwalat ang pagkakakilanlan nito.

Maaalalang narekober ng mga otoridad sa suot ng bangkay ang dalawang pakete na naglalaman ng umano’y shabu.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, may sinyales sa bangkay na ito ay sinakal na posibleng dahilan sa kanyang kamatayan.

Isinailalim ang bangkay sa otopsiya habang dinala na sa PNP Crime Laboratory ang peketeng nakita sa suot ng bangkay.

Noong Marso ay aabot sa limang bangkay ang magkakasunod na itinapon sa bayan ng La Trinidad at Tuba, Benguet.