Isa na namang lindol ang naitala sa bahagi ng Sarangani matapos yumanig ang magnitude 5.7 na lindol sa karagatang malapit sa Balut Island, Sarangani nitong Lunes ng gabi, Hunyo 8, 2026.
Ayon sa PHIVOLCS, aftershock ito ng malakas na magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani noong umaga ng Lunes.
Naitala ang pagyanig alas-10:52 ng gabi, na may lalim na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Ramdam ang lindol sa ilang bahagi ng Mindanao, kabilang ang General Santos City at ilang bayan sa Sarangani, South Cotabato, at Sultan Kudarat.
Ayon sa PHIVOLCS intensity report:
Intensity IV: Kiamba, Sarangani; T’boli, South Cotabato; General Santos City
Intensity III: Malapatan at Maitum sa Sarangani; Bagumbayan sa Sultan Kudarat; Surallah, Santo Niño, at Tupi sa South Cotabato
Intensity II: Banga at Tampakan sa South Cotabato; Isulan sa Sultan Kudarat
Intensity I: Davao City at Davao del Sur
Sa kabila nito, sinabi ng PHIVOLCS na wala nang inaasahang malalaking aftershock mula sa huling pagyanig at wala ring naitalang bagong pinsala sa ngayon.














