-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pansamantalang ni-lockdown ang bahagi ng Iloilo Doctor’s Hospital matapos nagpositibo sa COVID-19 ang mga medical personnel.

Sa ngayon, 11 na ang nagpositibo at pawang nakatalaga sa OB Gyne operating room.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng 7 nurse, 3 operating room technician at isang nursing aide.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na kahit na 11 lang ang nagpositibo sa nasabing ospital, marami ag mga naclose contact ng mga ito.

Sa ngayon hinihintay na lang ang resulta ng RT-PCR Test ng mga na close contact ng nasabing nga COVID-19 positive.