Tuluyan nang naging bagyo ang binabantayang low pressure arae (LPA) sa silangang bahagi ng ating karagatan.
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 625 km sa silangan ng Catarman, Northern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang patimog kanluran sa bilis na 20 kph.
Inaasahang lalakas pa ito habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Signal No. 1:
Visayas: Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, and Southern Leyte
Mindanao: Surigao del Norte including Siargao and Bucas Grande Islands and Dinagat Islands
Maliban dito, nakakaapekto rin sa bansa ang Northeast Monsoon, partikular na sa Northern at Central Luzon.
Ang mga lugar na nabanggit ay makakaranas ng makulimlim hanggang sa maulang lagay ng panahon sa mga susunod na araw.
















