-- Advertisements --

Napanatili ang lakas ng Bagyong “Queenie” habang patuloy na kumikilos sa direksyong hilagang-kanluran sa ibabaw ng Philippine Sea sa silangan ng Northern Luzon.

Ang sentro ng bagyo ay huling natukoy sa layong 1,205 kilometro sa silangan ng Hilagang Luzon.

Taglay pa rin ng bagyo ang maximum sustained winds na 75 kilometro bawat oras malapit sa sentro at may pagbugso na umaabot sa 90 kilometro bawat oras.

Kasalukuyang bumabagtas ang bagyo sa bilis na 25 kilometro bawat oras habang patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang magiging takbo nito.

Pinaiingat ang publiko at pinapayuhang maging alerto sa mga susunod na opisyal na ulat hinggil sa posibleng epekto ng bagyo sa mga susunod na araw.