Aabot pa raw sa 11 hanggang 12 na tropical cyclones (TCs) ang asahan na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong 2022.
Ayon sa Pagasa, ang peak daw ng typhoon season ay magsisimula ngayong buwan ng Hulyo hanggang sa buwan ng Oktubre.
Sa mga buwan daw na ito ay nasa 70 percent ng lahat ng mga bagyo ang nade-develop.
Sinabi pa ng state weather bureau na nasa dalawa o tatlong bagyo pa ang papasok sa PAR ngayong buwan, sa buwan ng Agosto at September habang dalawa hanggang apat na bagyo ang ianasahan sa October.
Sa Nobyembre naman ay posibleng dalawa o tatlong tropical cyclone ang aasahan at isa o dalawa naman sa Disyembre.
Noong nakaraang linggo ay pumasok na ang ika-apat na bagyo sa bansa na si Tropical Storm Domeng.
Lumabas naman ito sa teritoryo ng bansa noong Linggo.
Nasa average na 20 na bagyo ang pumapasok sa teritoryo ng bansa kada taon at walo o siyam dito ang dumadaan sa kalupaan.