Ganap nang nakalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Opong (international name: Bualoi) nitong Sabado ng umaga.
Dakong alas-10:00 ng umaga, tinatayang nasa layong 645 kilometro sa kanluran ng Sangley Point, Cavite City ang sentro ng bagyo.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong hanggang 150 kilometro kada oras.
Patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras o papalayo sa ating bansa.
Bagaman wala na sa loob ng PAR, pinapayuhan pa rin ang publiko at mga mangingisda na maging mapagmatyag sa posibleng epekto ng hanging habagat na maaaring palakasin ng bagyo habang ito’y nasa labas ng bansa.
Asahan pa rin ang mga biglaang buhos ng ulan, hatid ng mga ulap na nahatak ng nagdaang bagyo.