-- Advertisements --
Pumalo na sa 3 katao ang nasawi matapos ang pagsabog ng imbakan ng paputok sa lungsod ng Valenzuela.
Ang mga biktma ay pawang mga menor-edad kung dalawa dito ay kambal na babaeng edad pitong anyos.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad nangyari ang insidente sa residential area sa Paisa Street sa Batimana Compound ng dakong 11:30 ng umaga.
Dinala naman sa pagamutan ang pitong iba pa matapos na magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan.
Nasa apat na kabahayan ang nasira dahil sa malakas na pagsabog.
Wala namang nakita ang mga kapulisan ng anumang ebidensiya ng improvised explosive device o IED sa lugar.