Nagbitiw sa kaniyang puwesto bilang special adviser ng independent Commission for Infrastructure si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Kinumpirma ito ng staff ng alkalde ilang oras ng ianunsiyo ng Malacañang na inaaral pa lamang nila ang kaniyang appointment dahil sa umanoy conflict of interest.
Isinumite ni Magalong ang kaniyang resignation letter kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr nitong Setyembre 26, 2025.
Nakasaad sa nasabing sulat na hinding-hindi niya pababayaan ang pangunahing responsibilidad na inaatang sa kaniya ng mga constituent niya sa Baguio City kung saan ito ang pangunahing sentro ng kaniyang public service.
Una ng sinabi ni Malacañang na kanilang pinag-aaralang mabuti ang appontment ni Magalong sa ICI dahil sa ipangbabawal sa gobyerno ang pagkakaroon ng dalawang posisyon.