-- Advertisements --

Napanatili ng bagyo sa silangan ng Pilipinas ang taglay nitong lakas sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang naturang tropical depression sa layong 2,460 km sa silangan ng Southern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph, malapit sa gitna.

May pagbugso naman itong umaabot hanggang 70 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang silangan sa bilis na 25 kph.

Hindi naman ito inaasahang tatama sa lupa, ngunit palalakasin ang pag-iral ng hanging habagat.